Fraud Resource center

Protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko

Gumamit lang ng Western Union para magpadala ng pera sa mga kaibigan at kapamilya mo.

 

Kapag may hindi ka kakilala na nagpapa-money transfer sa iyo, huwag sumagot. Gumamit ng malalakas na password at huwag magbukas ng mga random na link. Huwag i-share sa iba ang personal mong impormasyon.

 

Tandaan: Kapag naipadala o naideposito na ang isang transfer, posibleng hindi ka na ma-refund ng Western Union. Kung hindi pa naipapadala o naidedeposito ang pera, puwede mo itong ipaalam sa amin sa pamamagitan ng paghahain ng fraud claim.

 

Kung may scammer na nagpapa-send sa iyo ng pera gamit ang mga serbisyo ng Western Union, tawagan ang aming Fraud Hotline para i-report ito.

 

Maging maingat kapag biglang may sumulpot na nagpapa-send sa iyo ng pera para sa alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:

Emergency

Anti-virus protection

Online purchase

Bayad o deposito sa rental property

Mystery shopping

Donasyon sa charity

Pagbabayad ng buwis

Bayad sa credit card o loan

Napanalunan sa lotto o papremyo

Mga oportunidad na magtrabaho

Mga resolusyon sa immigration

Mga telemarketing solicitation

Huwag balewalain ang panloloko

Kapag nag-report ka ng panloloko, nakakatulong ka na mabawasan ang tsansang may ma-scam na iba. Nakakatulong din ito sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas na tukuyin at mapigilan ang mga scam.

 

Kung sa tingin mo ay may nakita kang panloloko, hinihikayat ka naming kumontak ng lokal na tagapagpatupad ng batas at iba pang resource para sa proteksyon ng consumer.

 

Mahalaga ang pagre-report ng panloloko. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng kaalaman sa mga consumer at nagbibigay ito ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga kasalukuyang scam. Bagama’t nakikipagtulungan kami sa pulisya sa buong mundo, hindi namin tungkulin ang pagpapatupad ng batas. Nakikipagtulungan kami sa mga ahensya para suportahan ang mga imbestigasyon at pag-usig sa mga gumagamit sa aming mga serbisyo sa maling paraan.

Mga dapat malaman

Paano ako tutukoy ng scam?

Hindi pare-pareho ang anyo ng mga scam. Pero may pattern ito na puwede mong bantayan para maiwasan at mapigilan ito:

  • Hihilingin sa iyo ng scammer na mag-send ng pera sa pamamagitan ng pagpapanggap na isa itong emergency. Kung hindi mo pa nakikita nang personal ang isang tao, pinakamaganda kung hindi ka magse-send ng money transfer sa kanya.
  • Kung madaling hulaan o kung accessible ang mga password mo, puwedeng ma-hack ng mga scammer ang mga account mo. Gumamit ng malalakas na password at huwag itong i-share sa sinuman.
  • Gumagamit ang mga scammer ng mga email, social media, text message, at tawag sa telepono para tawagin ang atensyon mo. Kadalasan, may mga maling grammar sa mga message nila at may mga maling spelling sa email address. Bago sumagot, mag-research muna.

Ano ang mangyayari kapag nag-file ako ng fraud claim?

Pagkatapos mong mag-file ng fraud claim, ire-review ng fraud department ang claim mo. Kung kailangan, kokontakin ka ng aming team para sa higit pang impormasyon. Depende sa transfer status, puwede naming i-refund ang transfer mo. Makakatanggap ka ng email mula sa amin na naglalaman ng status ng claim request mo.

Mahalagang tandaan na walang kakayahan ang Western Union na manghuli ng mga scammer. Nakikipagtulungan kami sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas para makatulong sa imbestigasyon at pag-usig sa mga taong nananamantala sa aming mga serbisyo para makapanloko.

Makakatanggap ba ako ng refund sa money transfer ko?

Kung sa tingin mo ay nakapag-transfer ka sa maling tao, tawagan agad ang aming Customer Care para kanselahin ito. Kung hindi pa nakukuha, naipapadala, o naidedeposito ang transfer mo, makakakuha ka ng kumpletong refund sa transfer.

Ano ang ginagawa ng Western Union para maiwasan ang panloloko?

Nagbibigay kami ng kaalaman sa mga tao tungkol sa panloloko gamit ang iba’t ibang channel sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tip at resource sa aming mga customer, at pag-invest sa teknolohiya para tulungan kaming makapagbigay ng mas mataas na proteksyon laban sa panloloko. Kapag may ini-report na panloloko, sinusuportahan namin ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng impormasyong kailangan nila para imbestigahan ang scam.

Ano ang gagawin ko kung may natanggap akong kahina-hinalang email na nagsasabi sa akin na mag-transfer gamit ang Western Union?

Paki-forward sa amin ang email nang walang binabago sa spoof@westernunion.com. Tandaan, hindi ito nangangahulugang nag-file ka na ng fraud claim. Para mag-report ng scam, dapat kang mag-file ng fraud claim online o tumawag sa aming fraud hotline.

Manatiling nakakaalam

I-follow kami sa social media para manatiling updated sa mga pinakabagong scam at kung paano poprotektahan ang iyong sarili. Sama-sama tayong maging #BeFraudSmart!

Subaybayan ang aming mga alerto at update